PBR ([info]pinoybookreview) wrote,
@ 2005-12-19 01:23:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
Entry tags:feature, issue 07

Sampu-sampera: Talang Tribyal sa Magigiting na Nobela at Nobelista ng Panahon
Sampu-sampera: Talang Tribyal sa Magigiting na Nobela at Nobelista ng Panahon
by cbs


1. Hindi lang Odyssey ni Homer ang pinagtularan ni James Joyce para sa kanyang obra maestra. Bawat yugto ng Ulysses ay may katapat ding alusyon sa, at kahalagahan ng, isang bahagi ng katawan ng tao - tulad halimbawa ng unang yugto na may patungkol sa bato (kidney).

2. May dalawang schools of thought sa Finnegan's Wake. Una, kailangan daw nito ang matayog na pasensya't pag-iisip mula sa isang malalim na mambabasa ng panitikan. Ang sa ikalawa, hindi naman daw kailangan ang kahit anong kakayahan sa pagbabasa at pagpananaw dahil wala raw itong kabuluhan o ibig sabihin. Tinuran din ng mga "eksperto" na hindi babawas sa anim na wika ang ginamit ni Joyce sa pagsulat nitong nobela kaya noong minsang pinagtangkaan ko siyang basahin at na-enkwentro ko ang linyang "brekekek brekekek, koax, koax", nahinuha kong isa sa anim na ito ay ang salita ng mga palaka.

3. Tatanungin kita: Ang nobelang Catcher In The Rye ba ni J.D. Salinger ay optimistic o pessimistic? Huhulaan kita: Kung ano ang sagot mo, ganoon ka.

4. Dala ng kanyang pormal na pagsasanay bilang isang musicologist, nailapat ni Alejo Carpentier sa librong The Chase ang tema ng isang sonata sa saliw ng naratibo at kumpas ng pag-iiba-iba. Ang kwentong ito na isang political thriller ay naitayang pumapalo sa apatnapung minuto (kung isasalin sa pelikula batay sa haba ng nobela), na sya ring ekstaktong haba para maipaganap ang Eroica Symphony ni Beethoven (na nagsisilbing backdrop ng istorya).

5. Alam mo bang kung hindi naging traydor ang isang tao sa kanyang salita at sa yumaong kaibigan ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataong mabasa ang magiting na Metamorphosis ni Franz Kafka? Bago yumao, nagbihay ng habilin ang maysakit na Kafka sa kanyang trustee at matalik na kaibigang si Max Brod na sunugin ang lahat ng kanyang manuscripts. Um-oo si Brod sa tawag ng kanyang katungkulan at noong pumanaw na si Kafka, nasabi niya siguro, Ano ako, bali? Utang ng panitikan kay Brod ang kanyang katrayduran at sa hindi pagiging bali. Sa halip na sunugin, ipinalathala nya ang mga manuscripts.

6. Kung mahilig kang magsulat at ang manuscripts mo ay pawang tinatakan ng "reject", wag kang ma-depress, kahanay mo sina Joyce at Kafka. Kung nalathala ka naman pero hindi mawagian ng Nobel, huwag pa ring ma-depress, kahanay mo pa rin sina Joyce at Kafka.

7. Masarap magbasa ng "Preface" o "Introduction" ng mga matitinding libro dahil masisiguro mong pilit aabutin ng kung sino mang nag-preface ang lebel ng may-likha. Sa mga nabasa ko, walang kamatayan ang Preface ni Cynthia Ozick sa Cossacks ni Leo Tolstoy, ni Virginia Woolf sa Robinson Crusoe ni Daniel Defoe, ni Anne Rice sa Complete Stories ni Kafka, ni Richard Zenith sa Book of Disquiet ni Fernando Pessoa, at higit sa lahat, ni Seamus Deane sa A Portrait of the Artist as a Young Man ni Joyce.

8. Ipinaliwanag ni E.L. Doctorow ang genesis ng pagsusulat niya ng Ragtime. Taong 1972, wala syang magawa kung hindi tumitig sa dingding (wall) ng isang bahay na malapit sa kanila sa New Rochelle, NY. Sabi nya, "I found myself staring at the wall, so I started to write about the wall." Nagtuloy-tuloy ang pagsusulat nya, na napunta sa bahay kung saan naroon ang dingding, na napunta sa mga immigrants na siyang punto ng nobela. Parang may pagkakahalintulad sa kwento kong personal ang anekdota ni Doctorow. Taong 1992, gusto kong magsulat ng libro pero wala akong maisip isulat, kaya ang ginawa ko ay tumitig ako sa dingding at, dyaraann!, nakapagsulat akong bigla. Nakapagsulat ako sa dingding at ang walang kamatayang "I wuz here" ang naipabatid ko.

9. Sa isang kakaibang anthology na inilabas pang benepisyo sa mga biktima ng tsunami, ang gimik ng In The Beginning ay ilathala ang mga naunang pahina ng librong kasalukuyan pa lamang sinusulat ng mga piling bantog na nobelista/makata/mananaysay, kabilang na ang unang chapter ng Slow Man ni JM Coetzee. Maigi ang salansanang ito sa mga may ADD o maningas-kugon. Ayaw man nila o gusto, hanggang sa umpisa lang sila.

10. Sa dami ng librong magagaling, sa ikli ng panahong haharapin, kahit mismong si Harold Bloom ay hindi magagawang makapagyabang: I read them all! Dahil dito, may dahilan pa bang maipapataw sa iyong pagnanais na mag-ulit ng pagbasa ng libro? Mismong si Thomas Mann ay nakiusap na basahin ang Magic Mountain ng dalawang beses at ang pagpahalaga mo sa ikalawang hagod ang magbibigay buhay sa pagkakaiba ng quality sa quantity.

##########




(Post a new comment)

Pangit
(Anonymous)
2007-01-30 11:06 am UTC (link)
aNG HINAHANAP KO ANEKDOTA TAPOS WALANG ANEKDOTA

(Reply to this) (Thread)

Re: Pangit
(Anonymous)
2007-02-02 07:49 am UTC (link)
pilosopo ka ah..... kaw na lang kaya magbigay sakin nun. hahahahaha|>>>>>>>>>>>>>>.................

(Reply to this) (Parent)(Thread)

Re: Pangit
(Anonymous)
2007-07-01 11:08 am UTC (link)
TANGA KA BA??Kaya nga gisearch namin kung ano ang ANEKDOTA,Tas ala ngang meaning non!Pano maibibigay sa 'yo kng ano ang ANEKDOTA na gisearch nga namin kung anong ibig sabihin o halimbawa nito..
AUTHOR o WRITTER ka na nito??Kaw na lang din kaya ang magbigay sa amin kung ano ang ANEKDOTA?!?Kaw pala 'tong pilosopo eh!

(Reply to this) (Parent)

nu b yan..
(Anonymous)
2007-02-26 08:39 am UTC (link)
wla bng anekdota d2..

(Reply to this) (Thread)

Re: nu b yan..
(Anonymous)
2007-07-01 10:56 am UTC (link)
Oo nga..alang anekdota!

(Reply to this) (Parent)

Re: nu b yan..
(Anonymous)
2007-11-22 08:58 am UTC (link)
hoooo...bat walang kahulugan dito ng anekdota na yan???asarrr!!

(Reply to this) (Parent)

diyos ko po
(Anonymous)
2007-07-21 12:33 am UTC (link)
kung magdidisplay ka ng anekdota. alamin mo muna. nakaka patay oras ka. stupid

(Reply to this) (Thread)

nyaaaaaaaaayyyyyyyy
(Anonymous)
2007-09-18 01:40 pm UTC (link)
ang lufet!!!!!!!!!!!!!!!!!

(Reply to this) (Parent)(Thread)

Re: nyaaaaaaaaayyyyyyyy
(Anonymous)
2007-10-04 11:04 am UTC (link)
mAg rEsEaRcH kAu sA iBa.........

(Reply to this) (Parent)

Tarantado ang wala!
(Anonymous)
2007-10-12 10:18 am UTC (link)
Anu bayang parakang tanga ka eh!

(Reply to this) (Parent)

nYeckKKKKK!!!!!!
(Anonymous)
2008-01-02 01:15 pm UTC (link)
wlA nMn unG kYlanan q d2

fUck!!!

(Reply to this)

ahm heLp pLz..
(Anonymous)
2008-01-19 11:24 am UTC (link)
lagay naman keo ng sample nobles nila
chaka talmbuhay nla...plz...

(Reply to this) (Thread)

Re: ahm heLp pLz..
(Anonymous)
2008-02-13 08:34 am UTC (link)
BOBO KA HINDI
..!..

(Reply to this) (Parent)

PUTANG ANEKDOTA
(Anonymous)
2008-02-13 08:33 am UTC (link)
walang kwentang website hindi mahanap ang tang inag ANEKDOTA

(Reply to this)


Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…